Article Inside Page
Showbiz News
Bibida sina Yasser Marta at Robb Guinto sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'Magtatambal ang celebrity couple na sina Yasser Marta at Robb Guinto sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng mag-asawang masusubukan ang relasyon sa episode na pinamagatang "My X Wife."
Gaganap si Robb bilang Weng, breadwinner na papasok sa paggawa ng adult content nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang lola.






