Article Inside Page
Showbiz News
Ikinuwento ni Paul Artadi ang kanilang naging experience sa Poland matapos ma-cancel ang basketball exhibition game ng ex-PBA players.
Hindi natuloy ang basketball exhibition game ng PBA Motoclub sa WKK Sport Center sa Wroclaw, Poland noong June 21, 2026, matapos umano silang hindi mabayaran ng kanilang talent fee.
Ang PBA Motoclub ay isang samahan ng dating Philippine Basketball Association (PBA) players na pinagsasama ang kanilang hilig sa basketball at motorsiklo. Kabilang sa mga bumiyahe patungong Poland sina Rico Maierhofer, Jayjay Helterbrand, PJ Simon, JC Intal, Jerwin Gaco, Ryan Araña, at Paul Artadi para sana sa nasabing exhibition games.







