Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang pinakamadugong bakbakan sa finale ng 'Apoy sa Dugo' mamayang hapon, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.Handa na ba kayo sa pinakamalupit na pagtatapos?
Mapapanood na mamayang hapon ang finale episode ng hit psychological drama-thriller series na Apoy sa Dugo, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Sa finale teaser na inilabas ng GMA Drama ngayong Biyernes, June 19, ipinasilip ang pinakamadugong puksaan sa pagitan nina Kiara (Ashley Ortega) at Vanessa (Elle Villanueva).






