Article Inside Page
Showbiz News
Nagbigay mensahe si Zhang Yingfei a.k.a. Linda Walker sa kanyang Pinoy fans.Maraming fans na nakapanood ng Chinese drama na The Heiress Who Won with Brains ang humanga sa karakter ni Linda Walker nang makamit nito ang record-breaking score sa isang mahirap na mock exam. Kaya naman ang ilang fans ay nagme-message sa lead actress na si Zhang Yingfei para makahingi ng karunungan.
“Most of the time in social media, she sees comments, nakita daw niya 'yung mga comment na parang 'yung fans daw nagsasabi na 'Wow! Si Linda Walker, genius pala siya! Pahingi po ng knowledge!' pagbabahagi ni Yingfei, sa tulong ng kaniyang translator, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 15.
Ngunit pag-amin ng Chinese actress, gaya lang din siya ng pangkaraniwang tao at hindi naman talaga genius katulad ng kaniyang karakter.






