Article Inside Page
Showbiz News
Zhang Yingfei sa hit micro-drama na 'The Heiress Who Won With Brains': "Sobrang swerte ko talagang makasama ako roon sa palabas kasi very inspirational—'yung message about education, nakakapagpabago ng kinabukasan."Binalikan ng Chinese actress na si Zhang Yingfei kung paano niya nakuha ang role bilang Lin Si Wang o Linda Walker ng hit micro-drama na The Heiress Who Won With Brains sa kanyang panayam sa batikang broadcast journalist at host na si Jessica Soho para sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Noong Lunes (June 8), bumisita sa bansa si Zhang Yingfei para i-promote sa mga estudyanteng Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon.
Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring musical actress si Zhang Yingfei. Ayon sa kanya, marami na siyang nilabasan na short dramas na nag-trend. Masaya rin siya na na-meet ang kanyang Pinoy fans.








