Ikinatutuwa ni Kylie Padilla ang magagandang feedback na natatanggap ng 'Taskforce Firewall.'"Sobrang saya namin. Every episode, nag-uusap kami doon and we congratulate each other kasi kita ko 'yung hardwork ng lahat," bahagi ng aktres.
Ipinagmamalaki rin daw niya ang magandang collaboration ng cast, staff, at production team ng serye.
"Kita ko 'yung pagod ng lahat so para makita namin na nag-reflect siya sa ratings and sa reaction ng mga tao, sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso," kuwento ni Kylie.
Excited naman daw siyang mas makilala pa ng mga manonood ang character.
Gumaganap siya sa serye bilang Isa, law enforcement agent at leader ng cybercrime division.






