Article Inside Page

Showbiz News

Nakipagtulungan si Neil Ryan Sese kay kay Direk L.A. Madridejos para malayo sa stereotypical na gay ang role sa 'Kamao.'Para sa maraming straight actors, hindi biro ang gumanap bilang isang gay. Madalas ay natatali sila sa stereotypes na madalas nakikita sa pelikula at telebisyon.

Kaya naman si Kamao actor Neil Ryan Sese, nakipagtulungan sa direktor ng kanilang serye na si L.A. Maridejos para buuin ang karakter na kanyang ginagampanan.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 10, inamin ni Neil na naging challenging para sa kaniya ang pagganap sa role ni Nonoy Batumbacal, isang gay boxer.