Article Inside Page

Showbiz News

Paano kaya hinarap ni Neil Ryan Sese ang kaniyang non-traditional role sa GMA Afternoon Prime series na 'Kamao'? Alamin dito.Matinding boxing match ng mga karakter nina Anton Vinzon at Bruce Roeland, maging nina Neil Ryan Sese at Wendell Ramos, ang napanood sa pilot episode ng bagong family sports drama ng GMA na Kamao.

Talaga namang challenging ang role ng batikang aktor na si Neil Ryan Sese na gumaganap bilang Nonoy Batumbacal, ama ni MakMak (Anton) at isang closeted boxer.

Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ikinuwento ni Neil kung paano niya tini-treat ang kaniyang role.