Article Inside Page

Showbiz News

Ang tunay na Sharmaine ay dumating na sa 'Unang Hirit'!Maraming netizens na ang nakakakilala sa viral na orange na pinangalanang "Sharmaine."

Sa nakakatuwang skits ng Pinoy content creator na si BAET, ipinakilala si Sharmaine bilang isa sa mga prutas na nais baguhin ang kanilang mga pangalan. Sa kuwento, umabot pa umano sa pagpa-notaryo ang naturang orange upang opisyal na mapalitan ang kanyang pangalan.

Ang viral na serye ng comedy skits ay agad na umani ng mahigit isang milyong views sa TikTok at sa ibang social media platforms.