This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Nico Villarete/Rappler
Habang mas nagiging malinaw sa atin ang mga plano ng mga nása kapangyarihan at nais na manatili rito, saan na nga ba táyo dadalhin ng ating hinahon (o kawalan nitó) sa hinaharap?
Kung tatanungin ako ng “Kumusta ka?” ang isasagot ko ay, “Heto, handa nang anihin ang bini sa kalooban ko.”
Mas ang salita. Puwede rin naman ang girl group para mapaindak at mapasayá táyo kahit papaano. Pero ang salitang bini mismo ay nangangahulugang tahimik at mahinahon. Sa panahong itong punông-punô ng alinlangan at namumuong inis, kailangan nating taglayin ang hinahon. Babalikan ko mamaya kung bakit kailangan din ng katahimikan.








