Article Inside Page
Showbiz News
Maki-celebrate ng heartwarming and laughter-filled 1000th episode ng 'Family Feud' mamayang 5:35 p.m. sa GMA!Ipagdiriwang ng Family Feud ang kanilang special 1000th episode tampok ang super-fan ng programa at beloved group of viewers.
Ngayong May 26, masasaksihan ng mga manonood ang exciting na tapatan ng Jacla Family at The Golden Gays.
Unang team ang Jacla Family na pinangungunahan ni Elsie A. Jacla. Siya ay ang 53-year-old sari-sari store and egg business owner na proud super-fan ng Family Feud. Sa espesyal na episode na ito, matutupad ang isa sa kanyang mga pangarap na makasali at makapaglaro sa paborito niyang game show kasama ang kanyang pamilya.






