Article Inside Page
Showbiz News
Si Alexie Brooks ang ikatlong Pilipina na nanalo ng Miss Eco International crown.Nagpaalam na si Miss Eco International 2025 Alexie Brooks sa kanyang korona pagkatapos koronahan ang kanyang successor sa coronation night na ginanap sa Egypt.
Nag-upload si Alexi ng Instagram photos, kung saan suot niya ang isang white gown at ang kanyang crown at sash. Sa caption ng post, lubos ang kanyang pasasalamat sa panahon niya bilang Miss Eco International.
Inalala rin ni Alexi ang panahon noong pinalaki siya ng kanyang lola at noong binu-bully siya, at kung paanong naging parte ng kanyang laban ang bawat paghihirap na kanyang hinarap.








