Aired (August 29, 2026): #ReportersNotebook: "Lunod ang Ani, Lubog sa Utang” Taon-taon, milyun-milyong halaga ng pananim ang nasisira dahil sa bagyo at pagbaha, dahilan para malugi at mabaon sa utang ang maraming magsasaka. Sa Apalit, Pampanga, halos 3,892 ektarya ng palayan ang pinagkukunan ng kabuhayan ng libu-libong magsasaka. Pero dahil nasa flood-prone areas ang malaking bahagi ng mga sakahan, paulit-ulit na nalulubog at nasisira ang kanilang mga pananim. Ano nga ba ang ginagawa ng pamahalaan upang matulungan at mapalakas ang sektor ng agrikultura? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook