Ilang artista ang nagbahagi ng kanilang hinaing matapos matanggap ang kanilang electricity bill. Kabilang sa mga ito sina Jayson Gainza, Barbie Imperial, at Cacai Mitra, na personal na ipinakita ang kanilang mga electricity bill sa social media. Saad ng TiktoClock host na si Jayson, "Dear @meralcoph Kami po ay walang laundry shop, wala din po kaming talyer at lalaing lalo na wala kaming 4 na swimming pool paki explain papano nyo ito na compute ng ganito kalaki . Baka naman pag nagsolar kami maging 12k na lang kuryente namin aba aba baka lalo kayong yumaman!" Samantala, nagpahayag naman ng pagkagulat si Barbie Imperial