Sinagot at binigyang-linaw na ng content creator na si Gavin “Ser Geybin” Capinpin ang mga lumabas na haka-haka tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa kalagitnaan ng breakup at cheating rumors sa pagitan ng kanyang girlfriend na si Elma Asagra, in-upload nila nitong weekend ang isang vlog na may title na “Bangon.” Sa pagbabalik ni Ser Geybin sa pagba-vlog, nagbigay siya ng update tungkol sa totoong status ng relationship nila ni Elma. Ayon sa kanya, hindi totoo ang kumakalat online na hiwalay na sila at mayroong cheating na nangyari. Sabi niya, “Guys, hindi po kami naghiwalay. Maraming nadadamay, nakakahiya. Tropa po 'yun. Tropa po