Mas bongga at mas makulay ang Sunday celebration sa 'AOS' stage with a festive Flores De Mayo party! Makikisaya si Joy Barcoma habang maghaharap ang tatlong contenders sa isang matinding 'Sing My Song' battle para mapabilib ang OPM icon na si Janno Gibbs. Mapapa-senti rin ang lahat sa all-out hugot performances ng The Juans kasama ang AyOS Barkada, habang sasabog naman ang stage sa P-pop energy ng HORI7ON! Hindi rin mawawala ang kilig at harana mula kay Jong Madaliday sa kanyang 'Just Jong' moment, pati na ang sweet at fun showdown nina Anton Vinzon at Bruce Roeland. Ready na rin