Article Inside Page
Showbiz News
Tila hindi nagkasundo sina Kakau Bautista at Divine Tetay sa kanilang puksaan. Alamin dito kung bakit.Matindi ang naging puksaan at nagkainitan pa ang mga comedienne na sina Kakai Bautista at Divine Tetay sa latest episode ng The People Have Spoken!
Nitong Sabado, September 5, kasama ang First Yaya star na sina Sanya Lopez at Kapwa nila comedienne na si Donita Nose, nagkaroon ng sagutan sina Kakai at Tetay. Hiningi kasi ang opinyon nila kung mas tama bang mag-ipon o mag-enjoy habang nasa 20s na at may regular na sweldo ang isang tao.
Para kay Tetay, mas okay na mag-enjoy habang bata pa dahil lagi naman merong oras para magtrabaho at mag-ipon.






