Article Inside Page

Showbiz News

Matapos ang matinding laban kay Iva Jovic, nagpaalam sa third round ng US Open si Alex Eala.Nagtapos ang kampanya ni Alex Eala laban kay Iva Jovic sa US open pagkatapos ng isang three-hour match kung saan nanalo sa second set si Alex bago tuluyang matalo kay Jovic sa isang intense na third set.

Ito ang unang pagkakataon na makaabot si Eala sa third round ng US Open, at ito rin ang kanyang pinakamagandang performance laban jay Jovic. Nagtunggali na ang dalawa sa 2026 French Open, kung saan nanalo si Jovic, 6-4, 6-2, at sa 2026 HSBC championships, kung saan nanalo ulit si Jovic, 6-2, 6-2.

Bago ang match na ito kay Jovic, tinalo ni Eala si Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-4. Natalo ni Oliynykova si Eala sa Internationaux de Strasbourg nitong May.