Article Inside Page
Showbiz News
Si Lea Salonga ang kauna-unahang Filipino na nakatanggap ng prestihiyosong parangal.Opisyal nang inilabas sa publiko ang star ng Filipina actress at singer na si Lea Salonga sa prestihiyosong Hollywood Walk of Fame noong Sabado ng umaga (PHT).
Ginanap ito sa 6225 Hollywood Blvd sa harap ng Hollywood Pantages Theatre. Dinaluhan ito nina Lea Salonga, pati nina Sibley Scoles, Ming-Na Wen, Brandy Norwood, Darren Criss, at H.E.R.
Ayon sa Hollywood Walk of Fame, si Lea ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng kaniyang star sa sikat na landmark.






