Napapanahon ang bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'

Pinamagatang "Anak Kong Social Media Addict," kuwento ito ng mag-anak na masusubukan ng mga problema mula sa online world.

Mag-isang itinataguyod ni Belen ang apat niyang anak. Babad sa social media ang nag-iisa niyang anak na babae na si Ella.

Nang maglayas ito, isang matinding akusasyon ang haharapin ng mga anak na lalaki ni Belen.

Ano pang hamon ang dala ng social media kay Belen at sa kanyang pamilya?