Article Inside Page

Showbiz News

Barbie Forteza sa cheaters: "So, loving another person na hindi ko kadugo, hindi ko kaano-ano, wala akong obligasyon para do'n sa taong 'yon, tapos niloko mo 'ko. Bakit?"Hindi naniniwala ang Saving Cherry actress na si Barbie Forteza sa pagbibigay ng second chance sa cheaters.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (August 28), ibinahagi ni Barbie kay King of Talk Boy Abunda kung bakit hindi deserve ng cheaters ang pangalawang pagkakataon.

"Siguro po sa akin kasi the way I was raised is that pahalagahan mo 'yung sarili mo, and that's what I did. Ini-spoil ko nga 'yung sarili ko. I treat myself out, ganyan. Kumbaga, ganu'n ko kamahal 'yung sarili ko," sabi ng aktres.