Article Inside Page
Showbiz News
Nakasama ulit ni Yaya Melody (Sanya Lopez) ang kanyang 'First Yaya' co-stars.Nagkita at nagkasama ulit ang ilang cast members ng hit GMA series na 'First Yaya.'
Sa episode ng Family Feud nitong August 27, reunited sa game show ang 'First Yaya' stars na nahati sa dalawang grupo.
Nasa first group ang lead actress sa serye na si Sanya Lopez, kung saan kasama niya sina Kakai Bautista, Maxine Medina, at Muriel Lomadilla. Ang kanilang team ay tinawag na The Ladies of 'First Yaya.'






