Article Inside Page

Showbiz News

Ano kaya ang payo ni Princess Aliyah sa mga gustong mag-audition para sa PBB Collab 3.0? Alamin dito.Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo para sa aspiring Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates ang Sparkle star na si Princess Aliyah.

Sa latest video na inupload ng Pinoy Big Brother sa social media, mapapanood ang mensahe ni Princess para sa mga gustong humabol sa audition para sa upcoming new edition.

Isa sa highlights ng tips na ibinahagi ng Kapuso star ay ang pagkakaroon ng buong loob sa pagdating sa pagpapakatotoo.