Article Inside Page

Showbiz News

Alamin ang bagong rebelasyon ni Mikee Quintos tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig, dito.Mahigit isang taon pagkatapos ng hiwalayan ng dating celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas, meron nang bagong nagpapatibok ng puso ng aktres. Pagbabahagi ng Saving Cherry star, ayaw na sana niya sa mga binata.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 26, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang lagay ng puso ni Mikee. Tinanong din ng batikang host kung may nagpapatibok na nga ba ng puso ng aktres.

Sagot ni Mikee, “Ang dami, madami. Hindi ko ibig sabihin, maraming lalaki, pero madami. Like projects, 'yung mga animals na nakita ko, life in general. I'm really excited to see what the next chapters of my life have in store for me.”