Article Inside Page

Showbiz News

Looking forward na si Julie Anne San Jose na manood ng 20th anniversary concert ng co-'The Voice Kids' coach niyang si Yeng Constantino na pinamagatang 'Biyaheng Bente' ngayong weekend.Excited nang dumalo ang Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa 20th anniversary concert ng co-The Voice Kids coach niyang si Yeng Constantino. Gaganapin ang concert ng Pop Rock Royalty na pinamagatang Biyaheng Bente sa August 28 at 29 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

"Yes, we will be there, we will watch the concert," masayang ibinahagi ni Julie sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa media conference para sa bago niyang kanta na "Saglit Lang" noong August 20.

Ayon kay Julie, suportado niya ang career milestones ni Yeng dahil hindi lang katrabaho ang turing niya rito, gayundin ang isa pa nilang kapwa The Voice Kids coach na si Gloc-9, dahil idolo niya rin ang mga ito.