Article Inside Page

Showbiz News

Ano kaya ang advice ng 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' Fourth Big Placer na si AZ Martinez sa gustong maging housemates ni Kuya?Excited na rin si AZ Martinez sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, kaya't hindi rin siya nagpahuli sa pagbibigay ng tips sa mga susunod na housemates.

Sa isa sa videos na inilabas ng 'Pinoy Big Brother' sa social media, masayang ibinahagi ni AZ ang payo niya sa mga maninirahan sa iconic house sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.'

“Ano ang mabibigay kong tip sa inyo? Honestly, like what they always say, just be yourself. If you feel na nago-overthink ka, ang daming cameras, ano na kaya ang iniisip ng mga ibang tao sa labas pati mga kasama mo na housemates, don't try to control the things that you can't take control of,” pahayag ng Sparkle star.