Article Inside Page
Showbiz News
Well-spent ang time off ng ilang Kapuso celebrities sa pagpunta nila sa iba't ibang bansa.Well spent ang time off ng ilang Kapuso stars na nagpunta sa iba't ibang bansa para sa isang quick get away. Ang ilan sa kanila, nagbakasyon, habang ang ilan naman ay isinabay na rin ito sa kanilang trabaho.
Nagpunta ang dating The Master Cutter star na si Shuvee Etrata sa New York. Sa kaniyang post online, ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate ang ilang snaps mula sa kanyang trip.
Caption ni Shuvee sa kaniyang post, "Just a girl, her iced chocolate, and the city she once saw from afar."






