Article Inside Page
Showbiz News
May isang hugot message ang nais iparating ni Brent Manalo!Lakas-loob na naghatid ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Brent Manalo ng isang emosyonal at may hugot na mensahe sa kaniyang creative introduction sa noontime variety show na It's Showtime.
Sa naturang programa, naging trend ngayon ang “Attendance Check” segment kung saan nagpapakilala ang mga host sa malikhain at makulit na paraan. Sa mga nagdaang episode, nagpakilala sila gamit ang kanilang love status at ang acronyms ng mga ahensya sa Pilipinas.
Ngunit naging emosyonal ang entablado ng programa noong Sabado, August 22, matapos magpakawala ng malalalim na “hugot” ang mga host sa kanilang pang-araw-araw na malikhaing pagpapakilala sa “madlang people.”






