Article Inside Page

Showbiz News

Zoren Legaspi: "The main plan was to go to Hollywood na hindi nangyari."Bilang anak ng matinee idol na si Lito Legaspi, hindi malayong maging aktor ang magkakapatid na sina Zoren, Kier, at Brando.Sa katunayan, sabi ng una, hindi lang sana sa Pilipinas titigil ang pangarap niyang karera.

Pagbabahagi ni Zoren sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 12, hindi naman sila inudyukan ng ama na pasukin ang show business.

“Ako kasi, naramdaman ko nung nasa Chicago ako, papunta na ako sa bad boy. Yung parang nagiging gangster mentality na 'ko. Sabi ko, 'Walang mangyayari dito.' Wala na akong interes mag-aral. Sabi ko, 'Uwi na lang ako, gamitin ko na lang 'yung pangalan ng erpat kong Legaspi, pupunta ako kay Kuya Germs, mag-apply ako sa That's Entertainment.' That was the plan,” sabi ni Zoren.