Article Inside Page

Showbiz News

Kasama si Jong Madaliday sa mga pumili ng mga kampeon sa 'Tanghalan ng Kampeon' sa 'TiktoClock.'Tumayong guest judge si Jong Madaliday sa "Tanghalan ng Kampeon Season 5" ng TiktoClock.

Si Jong ang itinanghal na grand champion ng Philippine reality singing competition show ng GMA na The Clash 2025.

Sinorpresa ng TiktoClock ang mga manonood sa pagpasok ni Jong bilang inampalan. Kasama ni Jong sa "Tanghalan ng Kampeon" sina Renz Verano at Hannah Precillas.