Article Inside Page
Showbiz News
Kilalanin ang players ng Hontiveros Family at Nitura Family na maghaharap sa 'Family Feud' ngayong August 11!Sports showdown ang aabangan ngayong Martes sa Family Feud sa paghaharap ng Hontiveros Family at Nitura Family.
Ngayong August 11, mapapanood ang Hontiveros family na pinangungunahan ng PBA legend na si Dondon Hontiveros. Siya ay dating miyembro ng Philippine national team at naging captain ng Gilas Pilipinas noong 2015. Sa ngayon, nagsisilbi siyang head coach ng University of Cebu Lapu-Lapu-Mandaue at aktibong naglalaro para sa Cebu Greats sa MPBL.
Kasama niya sa laban ang kanyang anak at teammate na si Ice Hontiveros, fellow Cebu Greats player na si Kint Ariar, at longtime coach at teammate na si Elmer de Chavez Jr.








