Article Inside Page

Showbiz News

Maghahatid ng kilig sina Sofia Pablo at Iñigo Jose sa kanilang pagbibida sa isang bagong music video.Tampok ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Kapuso actress Sofia Pablo at Kapamilya actor Iñigo Jose sa opisyal na music video ng kantang "Sinayang Mo," ang pinakabagong kolaborasyon ng mga Filipino rappers na sina Paul N Ballin at Nateman Asian.

Sa isang kamakailang post sa Instagram, ipinasilip ng dalawang rapper ang opisyal na teaser ng nasabing music video. Sa maikling patikim, pumatok agad sa netizens ang role ni Sofia bilang isang masayahing waitress sa isang restaurant.

Dito ay makikitang haba-haba ang pila ng mga lalaking nagtatangkang bihagin ang kanyang puso, ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang papasok si Iñigo na tila inunahan ang lahat sa pagkuha ng atensyon ng dalaga.