Article Inside Page

Showbiz News

Ikinatuwa ng matalik na kaibigan ni Kris Aquino na si Michael Leyva ang kanyang kamakailang pagpapakita sa media.Ibinahagi ng sikat na Filipino fashion designer na si Michael Leyva ang isang mensahe sa pamamagitan ng isang Instagram post, kalakip ng mga behind-the-scenes photos kasama ang “Queen of All Media” at matalik na kaibigan niyang si Kris Aquino.

Kamakailan, muling nagbabalik sa spotlight si Kris sa inilabas na promotional video ng streaming platform na Netflix Philippines kung saan tampok at bida ang sikat na actress-host.

Inanunsyo ng naturang streaming platform ang muling pagbabalik sa media ni Kris Aquino para sa isang three-episode campaign bilang Chief Head of Insights and Content Analysis (C.H.I.K.A.).