Article Inside Page
Showbiz News
Isa raw sa mga iniidolo ni David Licauco ang South Korean actor na si Park Seo-joon.Habang binata pa, gusto raw ni David Licauco na gumawa pa ng mga proyektong nagpapakita ng “sense of youth.”
“Since I'm gonna be a bit older, gusto ko sana i-maximize yung sense of youth. I mean, yung youth energy ng shows—romantic, love, drama,” sabi ni David nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa ginanap na solo press conference niya kahapon, August 7. Ito ay para sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva Films.
Nabanggit din ng Kapuso actor na kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang bumida sa local adaptation ng South Korean drama.









