Article Inside Page

Showbiz News

Mapapanood na sa telebisyon ang 'Barangay Love Stories' sa GMA simula ngayong September.Mas marami nang dahilan para kiligin at maantig ang damdamin ng mga manonood ngayong September.

Ang mga kuwentong minahal ng maraming Pilipino sa radyo ay mapapanood na rin sa telebisyon dahil darating na sa GMA ang Barangay Love Stories.

Sa pangunguna ng radio host at Pambansang Storyteller na si Papa Dudut, bibigyang-buhay ng mga naglalakihang bituin mula sa loob at labas ng Kapuso network ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig na hango sa tunay na karanasan ng mga Pilipino.