Kuwento ng pangungulila ang mapapanood sa bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'

Pinamagatang "Kailan Muling Makakapiling?" kuwento ito ni Julie (Shaira Diaz) na nawalay sa kanyang mga magulang.

Lumaki si Julie sa Pilipinas kahit walang ni isang patak ng dugong Pinoy.

Dinala kasi siya dito ng Finnish niyang tatay na si Ahro (Kuya Kurt) nang maghiwalay sila ng nanay ni Julie na isang Thai national.

Dahil kinailangan magtrabaho ni Ahro sa ibang bansa, naiwan si Julie sa poder ng malupit niyang stepmom.