Article Inside Page
Showbiz News
Dahil sa kanyang videos online, binansagan si Nicole Cordoves bilang "Queen of Packed Lunch."Hindi lang sa It's Showtime stage nanggagaling ang saya at aliw ngayon, dahil namamayagpag at nag-iingay din sa digital space ang hit na hit na online content series ng former beauty queen at host na si Nicole Cordoves.
Sa telebisyon, kilala si Nicole bilang isa sa mga minamahal na hurado ng sikat na segment na "Miss Q and A: Reyna Talak-Era." Dito ay nagbabahagi siya ng kaniyang matatalim na insights at komento para sa mga kandidata, patunay ng kaniyang kalibre bilang isang beauty queen na nagdala ng dangal sa bansa sa international stage.
Pero pagdating sa social media, lalo na sa TikTok, ibang side naman ni Nicole ang makikita ng kaniyang followers. Pagkatapos ng segment, sa halip na mga komento, ang packed lunch na ibinibigay sa backstage naman ang kaniyang ipinapakita at paboritong i-share sa netizens.






