Article Inside Page
Showbiz News
Kilalanin ang mga maglalaro mula sa NU Bulldogs ngayong August 4 sa 'Family Feud!'Ang Men's Volleyball Team ng National University (NU) Bulldogs ang bibisita sa Family Feud ngayong August 4 matapos ang kanilang historic University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88 Men's Volleyball Championship.
Matapos masungkit ang kanilang historic six-peat championship (Season 83 to 88) at maitala ang kanilang ikawalong UAAP title, pansamantalang maghaharap ang NU Bulldogs bilang magkalaban sa dalawang teams na Set and Save at Spike and Block.
Pangungunahan ni Greg Ancheta ang Set and Save. Ang dependable setter mula sa Manila ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Physical Education. Kasama niya ang libero na si Kade Parreño, isang Marketing Management student mula Bacolod City; kapwa libero na si Jimwell Gapultos ng Palawan, na kumukuha rin ng Bachelor of Physical Education; at ang setter na si Jeffe Gallego Jr. mula Cadiz City, Negros Occidental, na nag-aaral ng Tourism Management.






