Nico Villarete
Sa pag-a-amplify sa content na lantarang ibinabaliktad ang sinabi ni Chel Diokno — ipinahiram ni Pia ang otoridad ng kanyang opisina sa disinformation.
Kamakailan, nag-post sa Facebook si Senadora Pia Cayetano ng isang spliced video ng isang paliwanag ni Akbayan Representative Chel Diokno sa harap ng impeachment court.
Marami sa atin ang pumuri sa linaw at talas ni Diokno sa explainer tungkol sa “fishing expedition” at kung bakit hindi ito nag-a-apply sa mga request ng prosecution para sa subpoena ng tax at bank records ni Vice President Sara Duterte. Pero binabaliktad ng video ang lahat ng sinabi ni Diokno, at pinalalabas na “NAGBABASAKALI LNG?” ang prosecution.
Palalampasin ba natin ito na lapse in judgment lamang ni Senadora Pia? Hindi dapat, dahil saklaw ng isyung ito ang judicial integrity na esensiyal sa tungkulin ni Pia Cayetano bilang halal na senador.








