Article Inside Page
Showbiz News
Magkakaayos kaya ang mag-amang Pepito (Michael V.) at Chito (Jake Vargas)? Abangan ang mga mangyayari sa all-new episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa darating na August 1.Makakarelate ang mga mag-ama sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (August 1).
Tila may hugot si Pepito (Michael V.) sa panganay na anak na si Chito (Jake Vargas). Nang magprisinta kasi ito na siya ang susundo sa kaniyang Ninong Bading/ Ninong Buddy (Richard Quan), nagkaroon ito ng other commitment kaya pinroblema tuloy ng bida milyonaryo kung paano masusundo ang kaniyang kumpareng balikbayan.
Napagalitan tuloy si Chito at mukhang naiisip pa nito na disappointed ang kaniyang ama lalo na at iniiwasan siya nito.






