Article Inside Page

Showbiz News

Comeback alert! Wagi si Alex Eala sa naging laban nila ni Leylah Fernandez sa Washington, DC.May bagong winning moment ang Pinay Tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.

Matagumpay na nakapasok si Alex sa quarterfinals ng Mubadala DC Open matapos siyang magwagi sa paghaharap nila ng defending champion at Filipino-Canadian athlete na si Leylah Fernandez.

Nakuha ni Eala ang first set sa score na 6-2 pero sa second set nila ay umarangkada si Leylah sa score naman na 5-1. Nahabol ito ni Alex at natapos ang kanilang laban sa score na 7-6.