Article Inside Page
Showbiz News
Wala raw takot si Martin del Rosario ma-typecast sa gay roles.Muling gaganap si Martin del Rosario ng queer role sa upcoming Cinemalaya film na Tayo Lang ang Nakakaalam. Patunay ito na hindi natitinag ang Kapuso actor na ma-typecast sa gay roles.
“Hindi ako natatakot. Simula nu'ng bago pa lang ako, until now, gumagawa ako ng gay roles as long as maganda 'yung story, ikagaganda 'to ng takbo ng career ko. And I see to it na bawat gay role na ginagawa ko, iba-iba naman e," sabi ni Martin sa panayam niya, kasama ang co-star na si Yayo Aguila, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 28.
Diin pa ng aktor, “Hindi ka matatakot na mata-typecast as long as hindi pare-parehas 'yung binibigay mo.”






