Article Inside Page

Showbiz News

Ibinahagi ni Joey Albert kung papaano siya naihanda para sa kaniyang cancer.Tinaguriang “miracle story” ang paglaban ni OPM hitmaker Joey Albert sa tatlong uri ng cancer matapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito. Pag-amin ng singer, hindi naging madali ang kaniyang laban, ngunit napaghandaan naman niya ito.

“You know, it's really just one foot in front of the other when it's something like that, and hope, and faith,” sabi ni Joey sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 26.

Ayon kay Joey, una pa lang, alam na niya na may posibilidad na magkaroon siya ng cancer dahil pumanaw ang kaniyang ama at ate dahil dito. Sabi ng OPM hitmaker, meron siyang Lynch syndrome, isang genetic condition kung saan mas mataas umano ang risk ng pagkakaroon ng cancer.