Article Inside Page

Showbiz News

Gaganapin ang 75th Miss Universe pageant ngayong November sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa Puerto Rico.Panahon na para maghanda at mag-ayos ng schedule ang mga pageant fans and aficionados dahil ibinahagi na ng Miss Universe organization ang date at venue para sa 75th Miss Universe pageant.

Ibinahagi ng Miss Universe organization sa kanilang opisyal an Facebook page na gaganapin ang 2026 Miss Universe pageant sa November 24, 2026, sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa Puerto Rico. Ayon sa organization, ang pageant ay magiging “celebration of beauty, purpose, and the women shaping the future.”

Si Bea Millan-Windorski ang representative ng Pilipinas sa pageant, at simula nang mapanalunan niya ang Miss Universe Philippines crown ay naging busy na ang beauty queen sa charitable activities at advocacy work.