Article Inside Page
Showbiz News
Hinanda na ni Michael Sager ang sarili para sa confession ng karakter niyang si Nate kay Jeni sa 'Born to Shine.'Isa sa mga kinakiligang eksena sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine ang confession ni Nate kay Jeni, na ginagampanan nina Michael Sager at Zephanie. Sa katunayan, pag-amin ng aktor, pinaghandaan niya nang husto ang eksenang iyon.
“Siguro 'yung eksena na 'yun, 'yun 'yung pinaghahandaan ko because I knew one day it would come in the story, and siguro the way that it was executed, natuwa ako because I wanted to put a twist on it,” sabi ni Michael.
Nakapanayam ng GMANetwork.com ang aktor sa naganap na mall show at album launch ng musical drama series nitong Sabado, July 18, sa SM Center Muntinlupa.






