Article Inside Page

Showbiz News

Silent Sanctuary's Poch Villalon sa artists na gustong maka-collaborate: "Ako, personally, anyone siguro from SB19, BINI, KAIA, 'yung mga nasa P-pop."Gustong maka-collaborate ng Silent Sanctuary member na si Poch Villalon ang P-pop artists mula sa P-pop Kings SB19, Nation's Girl Group BINI, at rising P-pop girl group na KAIA.

Sa naganap na media conference ng Silent Sanctuary para sa kanilang "Gabi ng Lambing" concert, tinanong ng press ang OPM band kung sinong younger artists ang gusto nilang maka-collaborate.

Para sa vocalist at guitarist na si Raymund "Sarkie" Sarangay, gusto niyang maka-collaborate ang Pinoy rock band na IV of Spades.