Article Inside Page

Showbiz News

Parehong masasaksihan ni Miss International Catalina Duque and Miss Globe Chayanthanus “Chearim” Saradatta ang pagkorona sa bagong Binibining Pilipinas International.May dalawang special guests na dadalo sa coronation night ng Binibining Pilipinas dahil dalawang international pageant winners ang manonood habang kinokoronahan ang panibagong Binibining Pilipinas International.

Ibinahagi na ng Binibining Pilipinas organization ang pagdating sa bansa ng kasalukuyang Miss International Catalina Duque sa pamamagitan ng mga pictures nito sa Ninoy Aquino International Airport at pagdating niya sa Novotel Manila Araneta City. Sa isa pang post ay nag-announce ang Binibining Pilipinas organization na manonood din sa Binibining Pilipinas coronation night ang kasalukuyang Miss Globe Chayanthanus “Chearim” Saradatta.

Gaganapin ang Binibining Pilipinas coronation night sa Smart Araneta Coliseum ngayong Sabado, July 18.