Article Inside Page

Showbiz News

Sachzna Laparan: "Never po akong bumalik sa ex."Wala na umanong balak si Sachzna Laparan na balikan ang ex-boyfriend niyang si Mark Pascual. Ito ay sa kabila ng tila maayos na hiwalayan at sweet messages nila sa social media.

Sa katunayan, inamin ng social media personality na meron nang bagong nanliligaw sa kaniya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 13, sinabi ni Sachzna na sa kabila ng pagbabalik-tanaw nila ni Mark sa masasayang alaala ng kanilang relasyon sa kanilang social media posts, hindi nila napag-usapan kung ano ang sasabihin nila.