Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng paalala si Kyline Alcantara para makaiwas mabiktima ng scam.Sa kabila ng kanyang pag-iingat, nagbiktima na rin ng scam si Kyline Alcantara nang makuha ang malaking halaga mula sa kanyang bank account kamakailan lang.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 10, ibinahagi ni Kyline ang naging karanasan niya sa text at email scam. Sa pagbabahagi ng aktres, nakatanggap siya ng text at email na nagsasabing may problema umano ang kanyang mga bank account.

“So click this link para maayos. So I clicked it and then parang napunta po sa ibang website. And then parang inalis ko na lang po siya agad. And then when I checked the bank app, biglang 'Ay, parang nabawasan 'yung pera ko.' 'Yun na po pala 'yun,” sabi ni Kyline.