Article Inside Page
Showbiz News
Aaminin na ni Audrey (Max Collins) kay Atoy (Dingdong Dantes) ang katotohanan! Ano-ano ang mga mangyayari sa 'The Master Cutter' this week?Mas tumitindi na naman ang mga tagpo at revelations sa nangungunang primetime series ng bayan na The Master Cutter.
This week, level up ang pang-iinis ng school bully ni Ibyang (Sienna Stevens) na si Janine (Ericca Laude).
At sa magiging tapatan nila sa isang school pageant, sisiguraduhin ni Janine na isabotahe ang baby girl ng Barangay Tabang-Lupa.






